By Jerry Yap (Bulabugin column)
HATAW
ANG inyo pong lingkod ay hindi kasapi o nagsisipsip sa Iglesia ni Cristo (INC).
Sa totoo lang, matagal na akong pinahahanga ng religious organization na ito dahil sa kanilang DISIPLINA at mataas na pagpapahalaga sa paniniwala at pagsamba sa KAITAASAN.
At lalo pa tayong humanga dahil hindi sila nakikipagsiksikan o nagpupumilit para kilalanin ng mga kandidato kundi sila pa ang nilalapitan.
Hindi sila katulad ng iba pang religious organization na hayagan nag-i-endorse pa ng mga kandidato …
Meron nga d’yan isang sekta noong nakaraang eleksiyon (2010) nag-endoso ng 18 kandidato Senador ‘e hindi ba 12 lang ang ibinobotong Senador.
Ngayon naman, nag-endoso muna ng ANIM na kandidato para Senador, sa susunod na raw ‘yung anim pa.
BAKIT!?
Hindi pa ba nagsasara ang mga usapan ninyo?!
Ang ipinagtataka natin, bakit ba nagkukumahog na makapag-endoso ng mga kandidato ‘yang mga religious organization na ‘yan?
Kung hindi naman, ‘e sila pa ang pasimuno nang pagpasok sa politika. May tumatakbong Senador, Congressman at may partylist pa sila!
Dios mio …
Bakit hindi nila gayahin ang Iglesia ni Cristo (INC) na imbes nagpapakaabala sa politika at mga politiko ‘e naglulunsad ng OUTREACH MISION para sa mahihirap.
‘Yan nga ‘yung “KABAYAN KO, KAPATID KO” katuwang ang Felix Y. Manalo Foundation Inc., na naghandog ng free medical, dental and relief services sa halos 15,000 residente kamakailan lang sa Tondo, Maynila.
‘Yan po ang gusto natin sa INC, hindi LIP SERVICE kundi HUMANITARIAN OUTREACH MISSION!
Hindi gaya ng ginagawa ng ibang religious sect … puro papasok, walang palabas?!
Pwede ba, ‘yan ang GAYAHIN ninyo!